Hi po, welcome sa aking munting photoblog. Makikita n'yo po ang ilang mga pictures namin sa Esmeris Farm na matatagpuan sa Liliw, Laguna. Mula po sa Poblacion ng Liliw ay mga humigit-kumulang 15 minutong byahe. Mula naman po sa Parking area ay mga humigit-kumulang na 10 minutong lakad, depende po sa bilis o bagal ng inyong paglalakad. Hindi naman po mahirap ang nilalakaran sa katunayan po nung magpunta kami ay mayroong mga senior citizens na naroroon. P50.00 po ang entrance fee. Malamig at maginhawa sa naturang farm. Perfect place po para makapagrelax.
Uwian na.. palubog na ang araw. |
Comments
Post a Comment