Skip to main content

Posts

Showing posts from 2023

Mangantila Cafe and Restaurant

Ang Mangantila Cafe and Restaurant ay matatagpuan sa Barangay Evangelista, Baras, Rizal. Ang Mangantila ay mula sa salitang Pangasinan na "Mangan" na ang ibig sabihin ay "kain" (eat) at "tila" ibig sabihin "tayo" (us). Ito ay matatagpuan sa gilid ng Lawa ng Laguna kung saan makakapagrelax at mararamdaman ang buhay probinsya dahil sa ambiance at sariwang hangin. (https://mangantilacaferizal.com) Holiday (May 1) kasama kong nagtungo dito sina Darns (mrs ko), sina Mylene (pamangkin) at ang aming dalawang truepa/kaibigan na sina Clarence at Alvin.  Magtatanghalian na noon kaya't nagpasiya muna kami na mag lunch sa Talisay Restaurant sa Tanay Rizal bago tumuloy sa Mangantila.