Skip to main content

Posts

Showing posts from 2021

Little Baguio in Rizal

Mistulang nasa Baguio ka sa dami ng mga pine trees na nakatanim sa humigi't-kumulang dalawang (2) kilometrong daan. Matatagpuan ito sa Sitio Sapinit, Antipolo City, Rizal. Muntik na kaming hindi papasukin sa lugar na ito subalit salamat at napakiusapan namin si kuya guard at kami ay kanyang pinayagan upang makapagpicture. Mayroon din ilang kaming nakasabay sa loob na mga motorista/turista. Cashew

Esmeris Farm

 Hi po, welcome sa aking munting photoblog. Makikita n'yo po ang ilang mga pictures namin sa Esmeris Farm na matatagpuan sa Liliw, Laguna. Mula po sa Poblacion ng Liliw ay mga humigit-kumulang 15 minutong byahe. Mula naman po sa Parking area ay mga humigit-kumulang na 10 minutong lakad, depende po sa bilis o bagal ng inyong paglalakad. Hindi naman po mahirap ang nilalakaran sa katunayan po nung magpunta kami ay mayroong mga senior citizens na naroroon. P50.00 po ang entrance fee. Malamig at maginhawa sa naturang farm. Perfect place po para makapagrelax.  Uwian na.. palubog na ang araw.

Ridge Park Kainan sa Kubo

Ang Ridge Park Kainan sa Kubo restaurant ay matatagpuan sa Tagaytay City. Noong magpunta kami ay mahaba ang pila at ang iba nga ay umalis na siguro dahil sa inip pero patience is a virtue sabi nga, kaya worth it naman ang pag-iintay dahil sa masarap na pagkain at magandang view ng Taal Lake dito. 😊